Bahagi ng Luzon apektado pa rin ng Amihan; Easterlies nakakaapekto naman sa Visayas at Mindanao

Apektado pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan ang extreme Luzon ng bansa samantalang Easterlies naman ang nakakaapekto sa sa Visayas at Mindanao na posibleng magdala ng mainit at maalinsangan na panahon.

Ayon sa Pagasa, makakaranas ng magandang panahon ang Luzon sa susunod na 24 hours pero asahan na rin ang pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan group of islands.

Ang nalalabing bahagi naman ng Luzon ay magiging maaraw ang panahon pero magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay mula 23 hanggang 33 degree celsius, sa Baguio naman ay mula 16 hanggang 27 degree celsius at sa Tuguegarao naman mula 22 hanggang 33 degree celsius.

Magandang panahon naman ang asahan sa Visayas at Mindanao pero asahan na rin ang biglaang buhos ng pag-ulan sa Eastern Visayas at Mindanao dulot ng localized thunderstorms.

Malaya namang makakapaglayag ang mga mangingisda o may maliliit na sasakyang pandagat dahil wala namang nakataas na gale warning sa baybayin ng bansa.

Read more...