Ayon sa pamunuan ng LRT-2, pinapalitan na ng mga bagong aircon ang kanilang mga tren.
Mula sa dating 28 degrees celsius na lamig ng aircon, sa ngayon ay kaya na ng bagong aircon ang 19 hanggang 15 degrees celsius na lamig.
Ayon kay LRT Administrator Reynaldo Berroya, nasa P351 milyon ang halaga ng pagkakabit ng mga bagong aircon sa LRT 2.
Bawat train set anya ay may inilalaan na 5 araw para sa pagkakabit ng bagong aircon.
Paisa-isang kakabitan ng aircon ang sampung operational na tren hanggang makumpleto sa April 20.
Umapela naman ng pang-unawa at kaunting sakripisyo ang LRT 2 para naman sa mas mahabang ginhawa dahil tatagal ng 15 taon ang bagong aircon.
Wala rin umanong dapat ipag-alala ang mga pasahero dahil hindi sila magtataas ng pamasahe kahit bago na ang mga aircon.
Umaabot sa 200,000 pasahero ang sumasakay sa LRT2 araw araw.