Lalaki patay sa pamamaril sa Pasay

CCTV Screengrab. Courtesy: Pasay Police

Patay sa pamamaril ng sariling tiyuhin ang isang lalaki sa Brgy. 13, Pasay City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, kinilala ang biktimang si Jordan Cabarrubias, 35 anyos at residente ng lungsod.

Sa CCTV footage na ibinahagi ng Pasay Police, makikitang sinusundan ng isang motorsiklo ang isang pampasaherong jeep.

Dito na pala pinagbabaril ni alyas ‘Catar’ ang biktima na sakay ng naturang jeep.

Ayon sa kasintahan ni Cabarrubias, si Catar ay tiyuhin mismo ng biktima.

Isinugod pa sa Pasay General Hospital si Cabarubbias pero idineklara ring dead on arrival.

Tinitingnang motibo ng pulisya ang iligal na droga.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen at pagsuyod ng pulisya sa suspek.

Read more...