Iriberri atbp., kinasuhan ng arms smuggling

The 46th Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Hernando Iriberri delivers his remarks upon assumption as head of AFP during the Testimonial Honors and AFP Change of Command Ceremony at the Tejeros Hall of the AFP Commissioned Officer’s Club (AFPCOC), Camp General Emilio Aguinaldo in Quezon City on Friday (July 10, 2015). Iriberri replaced former AFP Chief General Gregorio Pio Catapang, Jr. following the latter's retirement from his Tour of Duty. Lt. Gen. Iriberri is a member of the Philippine Military Academy (PMA) “Matikas” Class of 1983. (Photo by Gil Nartea/ Malacañang Photo Bureau)
.Malacañang Photo Bureau

Inakusahan ng isang retiradong pulis si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Hernando Iriberri ng smuggling ng mga bala.

Nakasaad sa reklamong inihain ni retired Col. Romulo Maningding sa Ombudsman, araw ng Biyernes, na nagbigay umano ng undue benefit sa dalawang firearm dealers na walang kapangyarihang mag-import ng mga 5,500 na rounds ng bala ng Howitzer mula sa isang kumpanya sa Turkey.

Sinabi ni Maninding na kasama si deputy chief of staff for logistics ng AFP at Chief Supt. Elmo Francis Sarona na tumatayong pinuno ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office (PNP-FEO).

Ayon kay Maningding, unang na-otorisahang maging dealer na mag-aangkat ng mga bala ang kaniyang kumpanyang Roferma Enteprises ng Turkish supplier na Mechanical and Chemical Industry Corp. (MKEK).

Nanalo kasi sa public bidding para sa procurement ang Roferma, ngunit bigla na lamang aniyang naputol ang komunikasyon sa pagitan ni Maningding at ng supplier.

Napag-alaman na lamang ni Maningding na biglang ang kumpanyang System Nomics na ang napili nitong local agent kasama ang Caballo Negro Industriya Corp.

Ani Maningding, ang nasabing dalawang kumpanya ay hindi maaaring mag-angkat dahil ang lisensyang una nang nakuha ng kaniyang kumpanya ay hindi maaaring mailipat sa iba.

Dahil dito, nagpadala ng liham si Maningding kina Iriberri at Sarona na kanselahin na ang authority to import na nakapangalan sa kaniya, na siyang ginawa naman ni Sarona sa pamamagitan ng isang memorandum.

Ngunit matapos kanselahin ang kaniyang lisensya, basta lamang iniutos ni Yucoco sa PNP na ilipat ang otorisasyon sa dalawang nasabing dealers, at ito ang aksyon na ipinaglalaban ni Manginding na mali.

Aniya ang tamang proseso ay dapat sumailalim muli sa public bidding ang dalawang dealers para makuha ang license to import.

Nalaman ni Maningding na naipasok na pala sa Port of Manila ang mga bala noon pang October 28, at sumulat pa ang presidente ng Caballo na si Eduard del Mundo kay Yucoco para tulungang mai-release ng Bureau of Customs ang umano’y smuggled na mga bala.

At sa parehong araw aniya, sa ngalan ni Iriberri ay iniutos na ni Yucoco ang pag-proseso ng mga taxes at duties ng mga nasabing bala. Kinabukasan, October 29, iniutos ni Sarona na dalhin sa Philippine Navy Sangley Point ang 1,000 rounds ng bala, habang ang 4,500 ay ipinalipat naman niya mula Subic port patungong Camp Servillano sa Tarlac City.

Iginiit ni Maningding na may anomalya dito dahil hindi naman ang Sangley Point o Camp Aquino ang address ng PNP-FEO na dapat pagdadalhan ng mga bala.

Maari din aniyang hindi kwalipikado ang specifications ng mga bala dahil hindi naman ito dumaan sa bidding.

Bukod sa mga opisyal ng militar at pulisya, inireklamo rin niya sina System Nomics president Alan Mendoza, presidente ng Caballo na si Del Mundo, export manager Gulderen Baglacer ng MKEK at ang director of marketing nila na si Hasan Sahan.

Kinasuhan sila ni Mangingding ng arms smuggling sa ilalim ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, graft dahil sa pagpabor sa nasabing dealers, pati na rin ng fraud at estafa.

Read more...