China, inaalam kung itinaboy ng Chinese vessels ang mga mangingisdang Pinoy sa Pagasa

Inihayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na inaalam na ng China ang insidente na nangyari umano sa Pagasa Island.

Kaugnay ito ng umanoy pagtataboy ng mga barko ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa sandbars malapit sa isla na teritoryo ng Pilipinas sa bahagi ng South China Sea.

Sa panayam ng media sa Malakanyang, sinabi ni Zhao na nakikipag-ugnayan na sila sa DFA para malamam kung ito ay totoo o hindi.

Alam anya ng bansa ang ulat sa media pero inaalam pa umano kung totoo o hindi ang insidente.

Iginiit ni Zhao na committed ang China na payapang resolbahin ang agawan ng teritoryo sa rehiyon.

Samantala, sinabi rin ni Zhao na suportado niya ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kurapsyon.

Kaugnay naman ng umanoy posibleng pag-atake sa South China Sea, sinabi ni Zhao na nag-aalala sila sa maaaring pag-atake ng kabilang panig pero ang China anya ay hindi ito polisiya laban sa sinuman.

Read more...