Ayon kay Andaya na bahala na ang susunod na Kongreso na magpatuloy ng nasimulan niyang pagbubulgar ng mga isyu sa Department of Budget and Management sa ilalim ng pamumuno ni Diokno.
Dahil dito posibleng wala nang maipalabas na report ang komite ukol sa sinasabing maanomalyang flood control scam.
Isang hearing pa sana ang gagawin ng House Committee on Public Accounts pero malabo na rin ito.
Matatandaang ang Rules Committee na dating pinamumunuan ni Andaya noong Majority Leader pa ito ang nagsasagawa ng mga pagdinig sa mga isyu kay Diokno hanggang sa malipat ito sa Appropriations Committee na hawak ngayong ng mambabatas pero bago nag-recess ang Kongreso ay ipinasa rin ang imbestigasyon sa Public Accounts committee na pinamumunuan naman ni House Minority Leader Danilo Suarez.