Diokno: Pulitiko di dapat ilagay sa DBM

Inquirer file photo

Umaasa si outgoing Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi isang pulitiko ang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Diokno, hindi pulitiko o hindi dating pulitiko ang dapat na ilagay ng pangulo sa kagawaran.

Tumanggi naman si Diokno na magbigay ng dahilan kung bakit ayaw niya sa isang pulitiko ang dapat na maging DBM secretary.

Una nang umugong ang pangalan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na maaring sumunod na budget secretary.

Samantala, sinabi ni Diokno na handa na siyang magtrabaho bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay Diokno, sa Huwebes ay magpapatawag na siya ng kauna-unahang monetary policy meeting.

Ipinaliwanag ng kalihim na si Finance Sec. Sonny Dominguez ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na italaga siya bilang susunod na BSP governor kapalit ng namayapang si Gov. Nestor Espenilla na pumanaw dahil sa sakit na tongue cancer.

Read more...