WATCH: Pinoy dance group, pasok sa susunod na round ng US ‘World of Dance’

FB Photo

Nakaabante sa next round ng ‘World of Dance’ sa US ang Pinoy dance group na Vpeepz.

Ang VPeepz na binubuo ng mga kabataang Pinoy na edad 11 hanggang 16 anyos.

Pinahanga ng grupo ang mga huradong sina Jennifer Lopez, Derek Hough at Ne-Yo sa kanilang dance routine ng “How Low” ni Ludacris.

Pagkatapos ng kanilang performance, tinanong sila ni Hough kung bakit lumipad ang grupo patungong US para sumali sa kompretisyon.

Ayon sa isang myembro, nais nilang ipakita sa mundo na sa kabilang ng pagkakaiba-iba ng kanilang pinagmulan ay mayroon silang pagkakaisa at ang pagsasayaw ang bumuo sa kanila.

Napahanga ang judge na si Jennifer Lopez sa sagot ng myembro.

Pinuri naman ni Hough ang performance lalo na ang kanilang fireman outfit.

Pinuri din ng singer-songwriter na si Neyo ang pagkakasabay-sabay ng sayaw ng grupo.

Nakamit ng VPeepz ang iskor na 90.3 mula sa tatlong judge at pasok na sila sa susunod na round na tinatawag na “The Duels”.

https://youtu.be/PwgFShIoOBI

Read more...