Mga infrastructure project binubusisi ni Speaker GMA

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
Tinitingnan ni House Speaker Gloria Arroyo ang ilang infrastructure projects partikular ang mga naging priority projects noong Pangulo siya ng bansa.

Inaalam ni Arroyo ang status ng mga proyekto at tutukuyin nito kung ano pa ang tulong na maaaring maibigay dito ng Kongreso.

Nais makatiyak ng Speaker na marami pa siyang improvement at tulong na maibibigay bago pa man magtapos ang kanyang termino ngayong 17th Congress.

napakahalaga anya ng infrastructure development para sa paglago ng isang komunidad.

Idinagdag nito na Kasabay ng pagtatayo ng mga imprastraktura ay bumubuhos din ang investments at dumarami ang mga employment opportunities sa isang lugar.

Read more...