Ayon kay Romero, dapat paghandaan ang pangunahing inflation concerns sa mga susunod na buwan partikular ang epekto ng El Niño sa suplay ng pagkain.
Kailangan aniyang madaliin na ang implementasyon ng Rice Tariffication Law lalo’t pagkatapos ng tagtuyot ay mararanasan naman ang kawalan ng ani o lean months mula Hunyo hanggang Setyembre.
Bukod sa murang imported na bigas sa merkado ay iginiit ng ekonomista ang agarang impact ng Rice Fund at Agricultural Competitiveness Enhancement Fund sa mga magsasaka.
Samantala, isa rin sa pinababantayan ni Romero ay ang tumataas na bayad sa upa sa mga pabahay na isa sa mga top contributors sa overall inflation noong nakaraang buwan at isa sa mabibigat na usapin sa consumer price index.
Sa tulong aniya ng batas na magtatatag sa Department of Human Settlements and Urban Development ay mapoprotektahan ang mga pamilya at small entrepreneurs laban sa napakamahal na renta sa housing at business spaces.