4 na miyembro ng pamilya patay sa sunog sa Cotabato

Apat ang patay sa sunog na naganap sa bayan ng Arakan sa North Cotabato.

Ayon kay Sr. Fire Officer Ronald Valle, hepe ng Arakan Fire Station, ang mga biktima ay kinilalang sina Ronie Monteser, 44 anyos; ang buntis niyang anak na si Mary Jane, 19; live-in partner ni Mary Jane na si Rienheart Carugda; at kanilang anak na si Andrea, 1 taong gulang.

Sinabi ni Valle na natutulog ang mga biktima nang sumiklab ang apoy ala 1:45 ng madaling araw ng Miyerkules (Mar. 6).

Ang bahay ay ancestral house ng pamilya kaya luma na ang mga materyales nito.

Nasunog don ang motorsiklo na nakaparada sa labas ng bahay.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...