Rehabilitasyon ng MRT-3 iniurong sa May 2019

MRT3-DOTr Photo
Iniurong ng pamahalaan ang pormal na pagsisimula ng rehabilitasyon sa MRT-3.

Sa halip na ngayong buwan ng Pebrero gaya ng naunang target, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na sa buwan na lang ng Mayo gagawin ang rehabilitasyon.

Ayon kay Michael Capati, head of operations ng MRT-3, sa May 2019 na uumpisahan ang 3-year rehab dahil may mga dokumento pa na inaayos.

Una rito sinabi ng MRT-3 na sa pagitan ng huling linggo ng Enero at unang linggo ng Pebrero gagawin ang rehabilitasyon.

Base sa plano kabilang sa mga aayusin ay ang 72 light rail vehicles (LRVs).

Sasailalim din sa restoration at overhaul ang power supply ng linya ng tren, overhead catenary system, signaling system, riles, CCTVs, public address systems at mga elevator at escalator.

Ang loan ng Pilipinas sa Japanese Government na P18 Billion ang gagastushin para dito at ang Japanese consortium na Sumitomo-Mitsubishi Corp. ang magsasagawa ng rehabilitasyon.

Read more...