Campaign leader ng mga lokal na kandidato sa Bulacan, patay sa pananambang

Patay makaraang pagbabarilin ang campaign leader ng mga lokal na kandidato sa Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Florante Raymundo na residente ng Barangay Lapnit sa San Ildefonso.

Si Raymundo ay political leader ng ilang local candidates sa San Ildefonso para sa 2019 midterm elections.

Sakay umano ng motorsiklo ang biktima nang siya ay tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa bahagi ng Barangay Maasim.

Mabilis tumakas ang mga salarin matapos ang pananambang.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...