Sa panayam ng Radyo Inqurier kay Engineer Toribio Noel Ilao, direktor ng DPWH – Bureau of Equipment na hamon sa kagawaran ang maraming basura sa dagat.
Pero sa paunang araw aniya ng dredging, nakapagtanggal sila ng basura sa nasa 50 meters ng Manila Bay mula sa seawall.
Sa pagtaya ng DPWH, aabot sa kabuuang 22 ektarya ang kailangang isailalim sa dredging sa Manila Bay.
Kabilang dito ang 1.5 kilometers mula sa US Embassy hanggang Manila Yacth Club.
Gayundin ang 150 meters mula seawall patungong dagat.
Sa pagtaya ng DPWH, aabot sa 90 araw hanggang 120 araw tatagal ang dredging.
Sasamantalahin naman ng DPWH ang summer season at El Niño sa puspusang paglilinis sa Manila Bay bago pa abutan ng pagdating ng Habagat season.