Kailangan pa rin kasi ang malaman ang desisyon ng COMELEC en banc kung papayagan ba siyang mag-substitute kay Martin Dino, na nag-withdraw ng kaniyang COC sa pagka-pangulo noong nakaraang buwan.
Ayon sa COMELEC, tinanggap man ng kanilang law department ang inihaing COC ni Duterte, kailangan pa rin nilang i-akyat ito sa en banc upang malaman kung may mga isyung ligal ba silang kakaharapin sa pagiging substitute niya kay Dino.
Samantala, para naman kay Duterte, walang problema sa kaniya sakaling ma-disqualify siya.
Ani Duterte, hindi naman niya ikamamatay kung hindi siya makakatakbo bilang presidente ng bansa.