Budget Sec. Diokono manunumpa na sa pwesto bilang BSP Governor mamayang gabi

Nagpaalam na sa Department of Budget and Managemet (DBM) si Secretary Benjamin Diokno.

Ito ay kasunod ng paghirang sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa kaniyang huling press briefing bilang DBM secretary, sinabi ni Diokno na mamayang gabi na siya manunumpa sa pwesto bilang BSP Governor.

At bukas ng umaga, dadaluhan na ni Diokno ang unang pulong niya sa Monetary Board.

Sa nasabing press briefing ipinakilala din ni Diokno ang papalit sa kaniya sa DBM na si Acting Secretary Janet Abuel.

Read more...