Sa post sa Twitter ng pasahero na may Twitter handler na @Denxtistry sinabi nitong tatlong magkakasunod na araw na siyang late pagpasok.
Dismayado din ang netizen na si Drolan Legasvi na nag-post sa Twitter dakong alas 7:25 ng umaga at sinabing sobrang dami ng tao sa platform ng MRT-3 at mahaba ang pila.
Ang mahabang pila din ang reklamo ng isang pang netizen na nag-post alas 8:21 ng umaga.
Ayon naman kay AJ Francisco, 15 minuto silang naghintay sa North Avenue Station at walang dumarating na tren.
Bago mag alas 8:00 ng umaga, dalawang tren ng MRT na nasa Taft Avenue station ang nasira.
Magugunitang kahapon, araw ng Martes (Mar. 5), nagkaroon din ng problema sa biyahe ng MRT matapos na makaranas ng electrical failure ang isang tren.
Noon namang Lunes (Mar. 4), sa pag-uumpisa pa lang ng operasyon ay nagpatupad na ng limitadong operasyon ang MRT-3.