Kylie Jenner, pinakabatang self-made billionaire – Forbes

Sa edad na 21, tinagurian si Kylie Jenner ng Forbes magazine bilang pinakabatang naging bilyonaryo.

Ayon sa pagtataya ng Forbes, ang Kylie Cosmetics ni Jenner ay may kabuuang halagang $900 million at ito ay aabot ng bilyon kung idadagdag pa ang cash na nakuha na niya sa tubo ng nasabing negosyo.

Sa kabilang dako, ang founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg ay naging bilyonaryo sa edad na 23.

Sinasabi naman ng ilang kritiko na naging bilyonaryo si Kylie dahil kilala at mayaman na pamilya nito.

Tinulungan rin umano ito ng kanyang inang si Kris Jenner para itayo ang negosyo.

Ayon naman sa Forbes, kung hindi naman niya minana ang negosyo o ang pera, maituturing pa rin si Kylie Jenner na “self-made” billionaire.

Read more...