Joshua Pacio gutom na manalo sa rematch vs. Yosuke Saruta

Inihayag ni Joshua Pacio ang kanyang kagutumang manalo sa kanyang nakatakdang rematch kay Yosuke Saruta sa Abril sa Mall of Asia Arena.

Matatandang natalo si Pacio kay Saruta sa pamamagitan ng split decision para sa ONE strarweight world title noong Enero sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Pacio kailangan niya lamang ng mas matinding focus at mas malaking kumpyansa sa sarili.

Kumbinsido si Pacio na siya dapat ang nanalo sa kanilang unang laban pero aminado siya na mas may nagawa pa sana siya para masiguro na papabor sa kanya ang judges.

Umaasa siya na maipakikita ang mga bagay na bigo niyang maipamalas noong Enero.

Gutom umano si Pacio na patunayan ang sarili at magwagi.

Bagaman may pressure ay may motibasyon anya siya sa laban dahil magaganap ito sa Pilipinas.

Read more...