Dagdag-singil sa kuryente nakaamba ngayong buwan

Posibleng magkaroon ng dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa buwang ito.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldariagga, ito ay dahil mawawala na ang P0.38 kilowatt per hour (kWh) na refund noong Pebrero dahil sa sobrang nakolektang universal charge-standard contract noong Disyembre at Enero.

Bukod dito ay may nakita ring pagtaas sa presyo ng kuryente sa spot market ayon kay utility economics head Larry Fernandez.

Ito ay dahil sa pagdami ng power plants na nasa outage dahil sa maintenance at force outages.

Posibleng maglaro sa P0.05 hanggang P0.30 kWh ang magiging dagdag-singil sa kuryente sa March bill ng consumers.

Ilalabas naman ng Meralco ang opisyal na halaga ng itataas sa bill, bukas, araw ng Huwebes.

Read more...