‘Red level’ El Niño watch, itinaas ng Pagasa sa Bicol Region

Nasa red level o mababa sa normal ang El Niño watch sa Bicol Region dahil sa nararanasang mababa sa 40 percent na pag-ulan sa rehiyon.

Ayon sa Pagasa, mula sa yellow rainfall forecast ay nasa below normal rain o nasa pagitan ng 41 percent at 80 percent ang bagsak ng ulan sa Bicol.

Nangangahulugan umano na nasa red rainfall forecast na ang rehiyon.

Sa Albay na nasa 236.4 millimeter ang normal rainfall amount kada buwan ngayon ay nasa 4.88 millimeter na lamang ang ulan partikular sa Legazpi.

Ito ay batay sa nakolekta mula sa nakalagay na rain gauge mula February 1 hanggang 28.

Sa Sorsogon, mula sa normal rainfall na 370.6 millimeter bawat buwan ay nasa 80.8 millimeter na lamang ito.

Samantala, sa bagong El Niño watch ng Pagasa, inaasahan na sa simula sa huling linggo ng Mayo ay posible ng maranasan ang maraming pag-ulan o hudyat ng pagpasok ng mga bagyo.

Mula Enero hanggang Marso naman ang peak ng panahon ng tag-init.

Read more...