Kahalagahan ng reclamation sa Manila Bay iginiit ni Mayor Estrada

Mayor Joseph Estrada FB photo

Iginiit ni Manila Mayor Joseph Estrada ang magiging pakinabang ng lungsod ng Maynila sa mga reclamation projects sa Manila Bay.

Ito ay matapos lumutang ang usapin na ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay para lamang sa reclamation projects at hindi sa mas malalim na layunin.

Sa talumpati sa pagsisimula ng dredging operations sa Manila Bay, sinabi ni Estrada na mahalaga ang reclamation projects dahil makapagbibigay ito ng higit 50,000 trabaho.

Giit ng alkalde, ang Maynila ang may pinakamataas na bilang ng walang trabaho at poverty incidence kaya hulog anya ng langit ang reclamation projects.

Kaugnay nito, sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na kung hindi niya maipahihinto ang reclamation projects ay makikipag-ugnayan siya sa Department of Science and Technology (DOST) para magsagawa ng pag-aaral para sa ‘science-based reclamation’ na magsisilbing guidelines.

Read more...