WATCH: Final season trailer ng ‘Game of Thrones,’ inilabas ng HBO

Screengrab of HBO FB video

Inilabas ng US cable and satellite television network na HBO ang trailer ng ika-walo at final season ng sikat na Emmy-winning drama na “Game of Thrones.”

Ang “Game of Thrones” ang biggest hit ng HBO kung saan nasa 30 milyon ang viewers nito sa Estados Unidos at marami rin ang devoted fans ng naturang palabas sa buong mundo.

Asahan na ng mga manonood ang ilang malalaking eksena sa bawat episode ng “GOT.”

Ang huling season ng “Game of Thrones” ay magsisimula sa April 14 o April 15 dito sa Pilipinas.

Read more...