Manny Villar itinanghal na pinakamayamang Filipino ng Forbes Magazine

Si dating Senate President at businessman Manny Villar na ang pinakamayamang Filipino batay sa Forbes’ 2019 list of the World’s Billionaire na inilabas araw ng Martes.

Ito ang kauna-unahang beses na nanguna si Villar sa listahan matapos itong pangunahan ni Henry Sy Sr. sa loob ng 11 taon.

Gayunman, si Sy na may-ari ng pinakamalaking mall sa bansa ay pumanaw na noong January 19 sa edad na 94.

Ayon sa Forbes, may estimated net worth si Villar na $5.5 billion at pang-317 sa buong mundo.

Pinamumunuan ni Villar ang Starmalls at ang home-builder company na Vista and Landscapes.

Narito pa ang ibang mga Filipino na nasa listahan at ang kanilang mga estimated net worth:

Samantala, ang pinakamayamang tao naman sa buong mundo ayon sa Forbes ay si Amazon founder at CEO Jeff Bezos na tinatayang may net worth na $131 billion.

Ito na ang ikalawang sunod na taon na nanguna sa listahan si Bezos.

Read more...