Duterte: ‘Otso’ candidates, gumagamit ng black propaganda

Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato sa pagka-Senador ng oposisyon na “Otso Diretso.”

Sa kanyang talumpati sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bangued, Abra Martes ng gabi, inakusahan ng Pangulo na gumagamit ng black propaganda ang mga kandidato ng “Otso.”

“Kaya ‘yung opposition mautak man sana. But their penchant to be just at the other side. Their victory next year hinges on the way how they attack people and the propensity to paint you in another dimension,” ani Duterte.

Iginiit ng Pangulo na ang mga kandidato ng oposisyon ay walang ginawa kundi siraan ang mga kandidato ng administrasyon.

“They want to appear white [Kami puti, malinis]. So ‘yung kalaban niya pinturahan niya ng itim. You’ll just paint your opponent black and you appear white. Ganoon talaga. And sadly, sayang ‘yung utak nila. At ‘yung iba naman walang ginawa.” dagdag ng Pangulo.

Muling binanggit ni Duterte kung ilang beses na humawak ng posisyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nakalaban nito sa 2016 elections na si Mar Roxas.

Inisa-isa ring binatikos ng Pangulo ang iba pang kandidato ng “Otso Diretso.”

Ayon sa Pangulo, si Atty. Chel Diokno ay hindi nagmana sa kanyang ama habang si dating Solicitor General Florin Hilbay at election lawyer Romulo Macalintal ay nagmamarunong lang anya na mga abogado.

Sinabi naman ng Pangulo na walang iniwanag legacy si Sen. Bam Aquino habang si Erin Tañada ay abogado anya ng mga komunista.

Pinayuhan naman nito ang publiko na iwasan si Magdalo Rep. Gary Alejano.

Read more...