Pinalawig pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang pagbabawal sa mga eroplano na dumaan malapit sa Mt. Kanlaon.
Ayon sa CAAP, mananatili ang pag-iral ng inilabas nilang Notice to Airmen hinggil sa pag aalboroto ng nasabing bulkan.
Sinabi ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, pinalawig pa ang NOTAM hanggang bukas, Sabado, Nov. 28, alas 9:00 ng umaga.
Dahil dito pinapayuhan ang mga flights ng mga eroplano na bumibyahe sa bisinidad ng Mt. Kanlaon na iwasan ang paglipad lalo na malapit sa tuktok ng bulkan.
Ito ay dahil aniya sa sa peligro na maaring maging idulot ng pagbuga ng abo ng Mt. Kanlaon.
Nananatili ang Alert Level 1 ang Mt. Kanlaon base sa abiso ng Phivolcs dahil sa nagpapatuloy ang abnormal na kondisyon ng bulkan hanggang sa ngayon.