Mayor Rodrigo Duterte, naghain na ng COC pagka-Presidente

WITHDRAWPormal nang naihain sa Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-Presidente.

Sa pamamagitan ng isang Atty. Salvador Medialdea, inihain sa Comelec main office sa Intramuros Manila ang COC ni Duterte.

“I, Rodrigo Duterte, of #458 Taal Road, Central Park Subdivision, Davao City hereby authorize Atty. Salvador Medialdea with address at F. Ortigas Jr., Ortigas Center Pasig City, to file my certificate of candidacy for the position of President, Republic of the Philippines,” nakasaad sa authorization letter na nilagdaan ni Duterte.

Bago ang paghahain ng COC sa pagka-Pangulo ng kinatawan ni Duterte ay personal na nagtungo ang alkalde sa Comelec Davao para i-withdraw ang kaniyang kandidatura sa pagka-Mayor.

Sinamahan si Duterte ng kaniyang anak na si Inday Sara Duterte. Si Sara naman ang sinasabing hahalili kay Duterte para tumakbong Mayor sa lungsod.

Sa kaniyang facebook account, nagpost ang chief of staff ni Duterte na si Bong Go ng mga larawan habang sila ay nasa Comelec Davao.

Mayroon ding naunang larawan na ipinost kung saan ipinapakita si Duterte na mayroong sinusulatang form. Ang larawan ay may caption na nagsasabing si Duterte ay lumalagda na ng COC sa pagka-Pangulo.

Read more...