Trapiko sa Metro Manila magsisimulang lumuwag sa 2020 ayon kay Duterte

Inquirer file photo

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula nang lumuwag ang daloy ng trapiko sa  Metro Manila sa susunod na taon.

Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa pinaigting na Build Build Build program kung saan kaliwa’t kanang konstruksyon ng mga kalsada, trains system ang ginagawa ng pamahalaan.

Pagmamalaki ng pangulo, masosolusyunan niya ang problema sa trapiko sa Metro Manila kahit na walang tulong ang senado.

Ikinadidismaya ng pangulo noon ang hindi pagbibigay ng kongreso sa hirit na emergency powers.

Magugunitang isa ang problema sa trapiko sa Metro Manila sa mga ipinangako ng pangulo na kanyang reresolbahin sa mga unang taon ng kanyang termino.

Read more...