Malacañang: CA kayang-kayang lusutan ni Diokno

Inquirer file photo

Kumpiyansa ang Malacañang na makalulusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si incoming Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Ito ay sa kabila ng alegasyon na ibinabato ng ilang mambabatas na mayroong conflict of interest si Diokno noong siya pa ang budget secretary dahil sa mga proyekto sa gobyerno na nakuha ng kanyang pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi totoo ang mga alegasyon na ipinupukol kay Diokno.

Integridad at competence aniya ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte para italaga si Diokno sa BSP kapalit ni dating Governor Nestor Espenilla na pumanaw dahil sa sakit na kanser sa dila.

Ayon kay Panelo, mabuting tao si Diokno at malawak ang karanasan sa usaping pananalapi.

Sa ngayon, itinalaga ni Duterte si Budget Usec. Janet Abuel bilang acting secretary.

Read more...