Contingency plan ipatutupad dahil sa pagbaba ng water level sa La Mesa Dam; maraming lugar sa east zone apektado

Dahil sa inilabas na El Niño advisory kamakailan ng Pagasa magpapatupad ng operational adjustments ang Manila Water sa mga lugar na sinusuplayan nito ng tubig sa east zone.

Ayon sa Manila Water ito ay upang mapigilan ang mabilis na pagbaba ng water level sa La Mesa dam dahil sa walang gaanong ulan na nararanasan.

Apektado ng ipatutupad na low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig kapag peak demand hours ang maraming mga barangay sa Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig, at mga bayan ng Antipolo, San Mateo, Rodriguez, Taytay, at Jalajala sa Rizal.

Pinayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na palagiang mag-ipong tubig na kanilang kailangan.

Narito ang mga maaapektuhang barangay:

Marikina City
– Fortune
– Nangka
– Tumana

Pasig City
– Caniogan
– Kalawaan
– Palatiw
– Pinagbuhatan
– Sagad
– San Joaquin
– San Miguel

Quezon City
– Pasong Tamo
– Sacred Heart

Taguig
– Bagong Tanyag
– Bambang
– Central Bicutan
– Central Signal Village
– Hagonoy
– Ibayo-Tipas
– Katuparan
– Lower Bicutan
– New Lower Bicutan
– North Signal Village
– Santa Ana
– South Signal Village
– Tuktukan
– Upper Bicutan
– Ususan
– Wawa
– Western Bicutan

Antipolo, Rizal
– Dalig
– Mayamot
– San Jose
– San Luis
– San Roque

Rodriguez, Rizal
– San Jose

San Mateo, Rizal
– Ampid I
– Ampid II
– Banaba
– Dulong Bayan 1
– Dulong Bayan 2
-Guitnang Bayan I
– Guitnang Bayan II
– Malanday
– Maly
– Santa Ana

Taytay, Rizal
– Santa Ana

Jalajala, Rizal
– Punta
– Sipsipin

Read more...