Paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong umaga

May paggalaw muli sa presyo ng produktong petrolyo ngayong umaga ng Martes, March 2.

10 centavos ang dagdag sa bawat litro ng gasolina at may bawas na 10 centavos sa bawat litro ng diesel ang mga kumpanyang Shell, Petron, Flying V, Chevron, Eastern Petroleum, Total, Jetti, PTT, at Petro Gazz.

Ang mga kumpanyang Flying V, Chevron, Shell at Petron ay mayroon ding bawas na 35 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang panibagong paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw ng halaga sa pandaigdigang pamilihan.

Read more...