Drug suspect, patay sa buy bust sa Valenzuela

Contributed photo

Patay ang isang lalaking drug suspect sa buy bust operation sa Valenzuela City alas 1:30 Martes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Roderick Javier, residente ng No. 198 Babilonia Compound.

Ayon sa pulisya, nauwi sa enkwentro ang operasyon na nagresulta sa pagkamatay ni Javier.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakabili ng isang sachet ng shabu sa suspek sa halagang P500.

Natunugan umano ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad, dahilan para gumanti ang pulisya.

Nadala pa si Javier sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival.

Nakuha sa suspek ang isang baril, 10 sachet ng shabu, P500 marked money at 2 piraso ng tig P100.

Read more...