Pinirmahan ni Putin ang decree ukol sa suspensyon ng kasunduan ng Russia at US sa INF arms treaty.
Hakbang ito kasunod ng paglabag ng US sa obligasyon nito sa ilalim ng tratado.
Parehong inakusahan ng dalawang bansa ang bawat isa ng paglabag sa Intermediate-Range Nuclear Forces agreement noong 1987.
Noong Pebrero ay sinabi ni US President Donald Trump na sisimulan na ng Washington ang proseso ng pag-atras sa deal sa loob ng 6 buwan.
Sunod na tugon ng Russia ang planong suspendihin ang papel ng bansa sa naturang treaty.
MOST READ
LATEST STORIES