Pasaherong nagbiro ng bomba sa LRT-1, arestado

File photo

Arestado ang isang pasahero nang magbiro tungkol sa bomba habang nasa LRT 1 araw ng Lunes.

Nakapila ang pasaherong si Akbar Ismael sa security inspection sa entrance ng Gil Puyat Station nang magbiro ito na ang lalaki na nauna sa kanya ay may bomba sa bag nito.

Narinig ng gwardya ng bomb joke ni Ismael kaya agad itong ininspeksyon.

Bagamat walang nakitang bomba, dinala sa istasyon ng pulisya ang lalaki.

Nahaharap ito sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 na nagbabawal sa pagbibiro ukol sa bomba.

Read more...