Ayon kay Senate President Tito Sotto, mas mabuti na imbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kasama sa listahan imbes na ilabas sa media.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pag-abuso sa kapangyarihan kapag isinapubliko ang Narco list.
Pwede anyang makasuhan ang DILG sa naturang hakbang.
Una nang sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na walang tiyak na resulta ang paglalabas ng Narco list partikular sa mga kandidato gaya nang nangyari noong 2018 barangay elections.
Kahit anya inilabas noong nakaraang eleksyon ang pangalan ng mga kandidato ay wala itong naging epekto at nanalo pa ang kandidato.