Sinabi ng Commision on Elections (Comelec) na hindi sapat na batayan sa diskwalipikasyon ng kandidato ang pagkasama nito sa tinatawag na Narco list.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, umiiral ang “presumption of innocence” o inosente pa rin ang kandidato kung hindi pa ito napatunayang guilty ng korte na magiging dahilan ng disqualification nito.
Makakatulong anya ang listahan ng mga sangkot sa droga pero wala itong epekto sa kandidatura ng isang indibidwal.
Samantala, paglilinaw ng Malakanyang, hindi paninirang puri sa kandidato ang layon ng paglalabas ng Narco list.
Ang listahan anya ay dumaan sa masusing beripikasyon bago isinapubliko.
Sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na depende na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng Narco list.