Lumabas sa Pulse Asia survey na 91 percent ng mga Pinoy ang gusto ang smoking ban sa public places.
Nasa 90 percent ng mga Pilipino ang nais na maitaas ang minimum age para sa pwedeng bumili ng sigarilyo sa edad 25 mula sa 18 anyos.
Para naman sa mga smokers o naninigarilyo, parehong 80 percent ang pabor sa smoking ban sa pampublikong lugar at itaas ang edad para sa mga bibili ng sigarilyo.
Samantala, lumabas din sa survey na isa sa apat na Pinoy o 24 percent ang naninigarilyo habang 19 percent ang nagsabi na araw araw silang naninigarilyo.
Mas marami ang mga lalaki, self-employed at mga Katoliko na naninigarilyo habang karamihan sa mga smokers ay mga Tagalog at Ilonggo.