WATCH: 20 bahay sa Makati, nasunog

Screengrab of Jay Montallana video

Natupok ng apoy ang halos 20 bahay sa sunog sa Barangay South Cembo, Makati City Lunes ng gabi.

Ayon sa inisyat na ulat, nasa 36 na pamilya ang nawalan ng bahay.

Sa pagtaya ng mga otoridad, nasa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Iniimbestigahan naman ang dahilan ng sunog.

Sa Facebook video ni Jay Montallana, mapapanood ang malakas na apoy.

Kanya kanya naman ng hakot ng mga gamit ang mga apektadong residente.

Read more...