Maine Mendoza, ipinagtanggol si Arjo Atayde

Matapos kumpirmahin na “dating” sila ni Arjo Atayde, hayagan na ang pagtatanggol ni Maine Mendoza sa aktor.

Sa kanyang post sa Yaya Dub Facebook fanpage, nagpahayag si Maine ng kanyang saloobin.

Sinagot ng dalaga ang mga naghihintay sa kanyang paliwanag kung bakit si Arjo ang kanyang pinili.

Ayon kay Maine, bakit daw hindi pwedeng ang binata ang kanyang pinili.

Binanggit ng Eat Bulaga host na ang mga dahilan ng mga tao kung bakit hindi niya dapat piliin ang aktor ay bunsod ng galit at pagkadismaya.

Pinili umano ni Maine na huwag maghusga sa karakter ni Arjo dahil sa nagawa nito sa nakaraan dahil hindi umano ito ang tumutukoy sa binata bilang tao.

Giit ng dalaga, pinalaki siya na huwag maghusga ng tao at laging tingnan ang kabutihan gaano man sila tingnan ng ibang tao.

Read more...