Paulo Avelino, na-dislocate ang balikat

Nakatakdang sumailalim sa physical therapy si Kapamilya actor Paulo Avelino matapos ma-dislocate ang kaniyang balikat.

Sa Instagram, ibinahagi ni Paulo naaksidente siya sakay ng kaniyang motorsiklo sa isang racing event.

Agad naman aniya siyang inasikaso ng mga organizer at dinala sa ospital.

Sa kabila ng aksidente, sinabi ng 30-anyos na aktor na tiniyak naman ng mga doktor na maari pa siyang makabalik sa motorcycle racing.

Dagdag pa nito, natapos na niya ang level 3 at 4 ng California Superbike School Philippines (CSSPH) course ngayong taon.

Ibinahagi rin ni Paulo ang kaniyang natutunan mula sa aksidente para maging bihasa sa naturang larangan.

Read more...