3 estudyante arestado sa shabu sa Lapu Lapu City

PDEA-7 photo

Arestado ang tatlong lalaking estudyante sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) at City Intelligence Branch (CIB) sa Lapu Lapu City.

Nakuha sa mga estudyante ang halos P2.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Inaresto sina John Peppard Añalucas Beltran, 21 anyos, Mhar Abarri, 21 anyos at isang 16 anyos na lalaking suspek.

PDEA-7 photo

Ayon sa PDEA-7, ang mga suspek ay mga estudyante sa iba’t ibang eskwelahan sa Cebu na naaresto sa operasyon sa Barangay Pusok.

Narekober sa tatlo ang 5 plastic packs ng shabu na may timbang na 350 grams at nagkakahalaga ng P2.38 million at P3,000 cash.

Read more...