BREAKING: Diokno, itinalagang bagong BSP Governor

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Benjamin Diokno bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Pupunan ni Diokno ang nabakanteng puwesto matapos pumanaw si BSP Governor Nestor Espenilla dahil sa sakit na cancer sa dila.

Nabatid na inanunsyo ng Pangulo ang appointment ni Diokno bago nagsimula ang cabinet meeting ngayong gabi na ginaganap sa Palasyo ng Malakanyang.

Read more...