Sumiklab ang sunog sa isang military storage unit sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, Lunes ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon, tinupok ng apoy ang Property Reutilization and Disposal Division (PRDD) area sa loob ng military headquarters pasado 2:00 ng hapon.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at volunteers sa sunog.
Nasa 20 trak ng bumbero ang rumesponde para apulain ang sunog.
Umabot ang sunog sa unang alarma at idineklarang fire out dakong 3:29 ng hapon.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.
Tinatayang P200,000 ang halaga ng pinsala sa naturang military storage unit.
MOST READ
LATEST STORIES