Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs kung maghahain ng protesta laban sa China kaugnay sa pagbabawal ng Chinese vessels sa mga Pinoy na makapangisda malapit sa Pagasa Island.
Tugon ito ng palasyo sa pahayag Kalayaan, Palawan Mayor Roberto Del Mundo na itinataboy ng ilang Chinse vessel ang mga Pinoy na mangingisda sa naturang isla.
Ayon kay Pesidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon ay hindi pa nabeberipika ng Department of National Defense ang naturang ulat.
Mali aniya na itaboy ng Chinese ang mga Filipino dahil pag-aari ng Pilipinas ang naturang isla na kilala rin sa tawag na Thitu Island.
Ayon kay Panelo, kakatigan ng palasyo ang anumang pahayag ng DND lalo na kung sasabihing nakaalarma na ang ginagawa ng China.
Nauna nang sinabi ng alkalde ng Pagasa, Palawan na mga mangingisdang Chinese rin ang humaharang sa mga Pinoy sa paligid ng isla.