Nadagdagan pa ang grupo na sumusuporta sa muling pagtakbo sa pagka-senador ni Senator Sonny Angara.
Kabilang si Angara sa pitong senatorial candidates na iniendorso ng Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement na dating FPJ for President Movement o FPJPM.
Sinabi ni Angara na lubos niyang ikinalulugod ang pag endorso ng FPJPM at aniya mapapalakas pa lalo ang kanyang kandidatura.
Giit ni Angara kaisa naman niya ang FPJPM supporters sa paglaban sa mga kawalan ng hustisya sa lipunan.
Kabilang sa mga naunang nagbigay ng suporta kay Angara ay ang Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte, at PDP Laban, gayundin ng Coalition of Services of the Elderly Inc. or COSE at Coop-NATCCO Party-list.
MOST READ
LATEST STORIES