Japan nangangailangan mga nurse at caregiver ayon sa DOLE

Inquirer file photo

Naghahanap ang Philippine Overseas Employment Administration o P-O-E-A ng limampung nurse at tatlong daang carefiver sa Japan, ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE.

Ayon sa kagawaran, ang mga mag-aaply sa nursing positions ay kailangang mayroong professional license, hindi bababa sa tatlong taong hospital experience at magkaroon ng National License sa Japan.

Samantala, ang mga nais naman mag-apply bilang caregiver ay dapat nakapagtapos ng apat na taong kurso, mayroong TESDA care worker certification o nagtapos ng BS Nursing mayroon o walang lisensya.

Ayon pa sa DOLE, dadaan ang nurse applicants sa unang six-month onsite Japanese language training at sasailalim sa on-the-job training sa mga ospital.

Sa caregiver applicants na naman, kailangan ding dumaan sa unang six-month onsite Japanese language training at magtrabaho bilang on-the-job trainee nang tatlong taon bago makuha ang makakuha ng national examination para sa caregivers.

Sinabi ng DOLE na ang mga makakapasa ay makakapag-trabaho na sa Japan.

Maaaring magpadala ng requirements ang mga aplikante hanggang April 30 ngayong taon.

Read more...