Kinuwestyon ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang paraan ng pagtatanong sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) hinggil sa umano’y extrajudicial killings.
Sa nasabing survey na ginawa noong Disyembre 16 hanggang 18 2018, lumabas na 78 percent o halos apat sa limang pilipino ang natatakot na mabiktima ng EJK sa gitna ng giyera kontra droga ng administrasyon.
Para kay Albayalde, mali ang paraan ng pagtatanong ng survey.
Sa ginawang pagtatanong nakasaad kung gaano nangamgamba ang mga respondent para sa kilala nila na mabiktima ng EJK.
Sabi ni Albayalde lahat naman ay takot mamatay at mabiktima ng krimen.
Nanawagan pa si Albayalde na sana ay huwag magamit ang survey firms sa anumang political agenda.
MOST READ
LATEST STORIES