Pangalan ng Pilipinas babaguhin ni Pangulong Duterte; pero pangulo wala pang naiisip na pangalan

Determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang pangalan ng Pilipinas.

Pero ayon sa pangulo, wala pa siyang naiisip na ipapalit na pangalan taliwas sa naunang pahayag nito na babaguhin ang pangalan ng Pilipinas patungo sa pangalang “Maharlika” gaya nang isinusulong noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa talumpati ng pangulo sa Basilan, sinabi ng pangulo na isinunod lamang ni Ferdinand Magellan ang pangalan ng bansa nang madiskubre noong 1521 sa kanilang haring espanyol na si King Philip II.

“I want to change it in the future. No particular name yet but sure I would like to change the name of the Philippines because the Philippines is named after King Philip,” ayon sa pangulo.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinakailangan na bumalangkas ng batas at ipasa sa taong bayan para sa referendum ang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas.

Read more...