Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman ng House Committee on Urban Development na karamihan ay matatagpuan sa Metro Manila lamang at kalahati ng 3,000 ektaryang nakatiwangwang lamang na lupa ay pag-aari ng gobyerno sa Quezon City.
Sinabi pa ni Benitez na ang 1,234.85 ektarya na pag-aari ng gobyerno ay inookupahan ng informal settler families (ISFs) habang ang 2,185 ektaryang pampublikong lupa ay nakatiwangwang at handa na para sa housing projects.
Sa ilalim ng bagong batas na DHSUD , maaaring kunin ang nasabing mga lupa ng gobyerno at gamitin ito para sa socialized housing projects dahil para maging matagumpay ang housing program ang pangunahing kailangan dito ay lupa.
Paliwanag pa ni Benitez, na ang mga pilipino na nangangailangan ng bahay ay maaaring lumobo ng 6.8 milyon bago matapos ang termino ni pangulong Duterte sa 2022.
Habang kailangan namang makapagtayo ang gobyenro ng kahit 1 milyon units para matugunan ang housing backlog sa bansa.
Maaari naman umanong humingi ng tulong ang gobyerno sa mga pribadong sektor para matugunan ang kakulangan ng housing projects sa bansa sa pamamagitan ng joint venture bilang co-developer ng isang properties.
Bukod dito iminungkahi din ni Benitez na dapat ituloy ng gobyerno ang plano na paglilipat ng government offices sa mga kalapit na lalawigan para magkaroon ng development at matugunan ang housing backlogs ng Pilipinas dahil sa ngayon ay over population na umano ang bansa.