Patay sa pananalasa ng tornado sa Alabama, umakyat na sa 22

Umakyat na sa 22 ang nasawi sa pananalasa ng tornado sa Eastern Alabama.

Ayon kay Sheriff Jay Jones, pawang mga residente sa Lee County ang mga nasawi.

Sa East Alabama Medical Center mahigit 40 pasyente pa ang ginagamot dahil sa tinamong sugat.

Sinabi ni Jonas na maari ding madagdagan pa ang bilang ng mga nasaiw,

Ayon sa Lee County Emergency Management Agency, pinakamatinding napinsala ang bayan ng Beauregard.

Dahil sa insidente nagdeklara na ng statewide emergency si Gov. Kay Ivey.

Nagbigay din ng abiso si US Pres. Donald Trump sa mga residente sa Alabama na maging maingat matapos ang panalalasa ng tornadoes.

Read more...